Nagwagi ng Palanca Memorial Award* for Literature 1983-84 |
Maganda ang paraan ng pagbubukas ng istorya: graduation. Parehong paraan rin ang ginamit sa pagtatapos nito. Simple lang, ngunit makabuluhan dahil parte ito ng buhay.
Ang sentro ng kwento ay sa isang pamilya kung saan ang babae ay may dalawang anak, tig-isa sa dalawang minamahal na lalaki. Makukulit ang mga bata. Normal na ang eksenang away-bati, away-bati. Ngunit hindi lamang sa kanilang pamilya umikot ang akda. Naipasok rin ang sosyal, sa trabaho't paaralan, pati ang kasaysayan.
Hindi man nabigyang importansya ang tunay na kahulugan ng kasal, nabigyang diin pa rin ang kahulugan ng pag-ibig at relasyon. Matibay ang samahan ni Lea at mga anak kahit ganoon ang nangyari sa kanilang pamilya. Naipakita ang katatagan.
May mga pagkakataong matatawa ka sa mga dayalogo ng kung sinumang tauhan. Kahit ang sagutan ni Lea at ng prinsipal sa eskwelahan nina Maya at Ojie ay nakatuwaan ko. Nai-imagine ko ang eksena, ang paraan ng pagsasalita nila, dahil nandyan ang realidad. Pati ang mga away nina Ojie at Maya at ang mga ikinukwento ni Maya sa mga kaibigan. It's fun. You'll find them interesting.
Hindi ko inaasahang may halong Ingles ang nobela. Pero naglagay rin ito ng kulay sa kwento kahit papaano.

Malaman ang binitawang talumpati (sa inspirational talk sa graduation ng panganay na anak) ni Lea, isang babae na patuloy na lumalaban sa kabila ng lahat ng pinagdaanan.
"Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?" ang pamagat sapagkat ito ang tanong ni Ojie kay Lea, na makikitang binanggit sa huling kabanata.
"Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?" ang pamagat sapagkat ito ang tanong ni Ojie kay Lea, na makikitang binanggit sa huling kabanata.
(Mga Tauhan:)
Lea Bustamante
Maria Natalia Gascon [Maya]
Roberto de Lara [Ojie]
Johnny Deogracias
Raffy de Lara
Elinor
Ding
(Notable Ideas and Conversations:)
Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang naka-make up at lipstick. Imbis makaganda'y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan.
Maya: Sabi ng nanay ko, 'yan daw totoo... di raw dapat ikahiya.
Ding: E kung magnakaw ka, di mo ikakahiya?
Maya: Sabi ng nanay ko, kung ikakahiya mo... h'wag mong gagawin!
Lea: Ang achievement e something you work hard to attain.
"Masama 'yong negatibo ka mag-isip. Kung ang iniisip lagi ng Amerika e lulubusin siya ng Rusya, at iniisip lagi ni Rusya na lulubusin siya ng Amerika, maglulubusan na 'yan.Samakatuwid, magkakagiyera. Ano'ng dahilan? Masama silang mag-isip."
Elinor: Ngumiti ka naman, o!
Lea: Hindi naiuutos 'yon. Gagawin niya 'yon pag gusto niya.
Maya: Nanay, naiisip ko, lugi ang babae.
Lea: Lugi?
Maya: Oo, lugi. Da'l ang lalaki, mister lang ang inilalagay sa pangalan nila. Di mo tuloy malaman kung me asawa siya o wala. Ang babae, pag me asawa, Misis.Pag wala, Mis. 'Ala siyang lihim!
"Ojie, alam mo ba 'yang gianagawa mong 'yan? Alam mo bang pag naloko ka sa sugal ngayon, maloloko ka araw-araw? Hanggang sa paglaki mo, hanggang sa magkaasawa ka, magkaanak ka! Pag me anak ka na at sugarol ka, mapapabayaan mo ang mga anak mo. Gusto mo ba, maging kawawa ang mga anak mo?"
"Parang libro, may mga pahina ang buhay na lalagyan mo ng markang magpapakilalang tapos na ang isang partikular na kabanata. Magbubukas ka ng susunod na pahina. Lilitaw sa ibang eksena. Gagawa ng bagong drama."
"Bata, bata... pa'no ka ginawa? Hindi bigla kundi unti-unti, tulad sa lahat ng normal na proseso ng paglaki."
"Ang graduation samakatuwid, ay hindi pagtatapos kundi simula. Simula ng pagpasok sa bagong yugto ng buhay papunta sa iba pang yugto."
(Mga Teoryang Ginamit:)
Teoryang Realismo
Teoryang Feminismo
Teoryang Sosyolohikal
Teoryang Historikal
--------------------------------------------------------------------
*Palanca Memorial Award - the country's most prestigious and longest-running literary contest; dubbed as the "Pulitzer Prize" (U.S. award for achievements in newspaper and online journalism, literature and musical composition) of the Philippines.
*Lualhati Bautista - nag-aral sa LPU. :)
No comments:
Post a Comment