Kung ako ay nag-enroll na lamang sa iisang klase, mas dadali ang pamumuhay ko. Pero marami ang nagtatanong, bakit nga ba pinili ko pang maging "irregular?"
Marami akong bagay na isinasaisip bago ko gawin ang kung anuman ang nais ko. Mukhang mahirap, oo. Pero para sa akin, sa paglipas ng bawat araw, dumadali rin ang lahat.
Ngayong isa na akong "irregular student," mas marami pa akong bagay na natututuhan. Napag-alaman ko na rin na kahit kailan, mukhang walang gagawa sa akin ng mga bagay na nagawa ko na para sa mga irregular students. Marahil ay hindi ko na kailangan iyon dahil kaya ko rin namang tumayo mag-isa, pero habang nasa ganito akong kalagayan, mas lubos kong naiintindihan at nauunawaan ang hirap na dinaranas ng dati kong mga kaklase.
Sa kasalukuyan, masaya ako dahil may mga bago na akong kaibigan. Masaya silang lahat kasama. Hindi ko na rin masyadong nararamdamang irreg ako. :))
Para sagutin ang katanungan, pinili kong maging irreg dahil gusto kong maranasan at makita mismo ng sarili kong mga mata ang buhay sa ganitong anggulo. :D
No comments:
Post a Comment